WATCH: Tren ng LRT-1 nagka-aberya sa bahagi ng Central Station

Nakaranas ng aberya sa biyahe ng LRT line 1.

Isang tren ng LRT-1 ang huminto sa bahagi ng Central Station pasado alas 12:00 ng tanghali ng Miyerkules, Nov. 27.

May nakitang usok sa ilalim ng tren na huminto sa pag-andar bago pa sumapit sa istasyon sa soutbound.

At dahil sa Central Station naman nangyari ang aberya, agad naitabi ang nagkaproblemang tren at hindi naman nakaabala ng matagal.

Umabot lang sa 10 minuto ang paghihintay ng mga pasahero para sa panibagong tren.

Inaalam pa kung ano ang dahilan ng naranasang problema sa tren.

Read more...