WATCH: Christmas ID inilunsad ng Manila City Government

May sariling Christmas ID ang Manila City Government.

Miyerkules (Nov. 27) ng umaga nang ilunsad ng Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau ang Christmas ID.

May titulo itong “Paskong Manileño” na naka-sentro sa pagdiriwang ng Pasko ng Batang Manileño.

Tinalakay din sa naturang Christmas ID ang hindi pagsuko anumang hirap ang pinagdaraanan.

Nakasaad sa Youtube post ng Manila Tourism and Cultural Affairs Bureau na ang Christmas ID ay likha ng Picsure Cinema.

Tampok din sa video ang mga pagbabago sa Maynila. Kabilang ang bagong mukha ng Jones Bridge.

Read more...