Tropical Storm “Kammuri” napanatili ang lakas; isa nang typhoon pagpasok sa bansa sa weekend

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang bagyong nasa labas ng bansa na mayroong international name na “Kammuri”.

Ang bagyo ay huling namataan sa 1,755 kilometers East ng Visayas.

Isa na itong tropical storm pero lalakas pa ito at maaring nasa typhoon category na pagpasok sa bansa.

Taglay ngayon ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 105 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers bawat oras sa direksyong pa-kanluran.

Ayon sa PAGASA, inaasahang sa pagitan ng Linggo (Dec. 1) at Lunes (Dec. 2) papasok sa bansa ang bagyo at papangalanan itong Tisoy.

Pinapayuhan ang publiko na mag-antabay sa mga update na ipalalabas ng PAGASA hinggil sa nasabing bagyo.

Read more...