Miss Universe Philippines Gazini Ganados dumating na sa US

Dumating na sa Estados Unidos si Miss Universe Philippines Gazini Ganados.

Sasabak si Ganados sa Miss Universe Pageant na magaganap sa Atlanta sa December 8.

Ibinahagi ni Ganados ang larawan ng pagdating niya sa Tom Bradley International Airport.

Kasabay niyang bumiyahe si Miss Universe Singapore.

Ayon kay Ganados, masaya siya at excited para sa nalalapit na pageant.

Read more...