10 arestado sa magkahiwalay na operasyon kontra ilegal na droga sa QC

Nadakip ang sampung katao sa ikinasang magkahiwalay na operasyon ng mga otoridad sa Quezon City.

Unang ikinasa ang operasyon sa 12th Avenue sa bahagi ng Cubao kung saan naaresto ang tatlong lalaki sa kasagsagan ng pot session.

Todo-tanggi ang magkakaibigang nadakip na sa kanila ang nakuhang mga marijuana.

Pero ayon sa mga pulis, ang tatlo ay isinumbong ng mga suspek na dati na nilang nahuli.

Samantala, sa isang partelle sa Novaliches, Quezon City naman, pitong drug suspects ang nadakip.

Tatlo sa mga naaresto ay pawang menor de edad na nagsisilbing runner ng grupo.

Pawang mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang mga suspek.

Ang mga menor de edad naman ay dadalhin sa DSWD.

Read more...