Ito ay matapos mamataan sa isang kalsada sa Chatam, Ontario, Canada ang isang aso na kalong-kalong ang limang kuting sa kasagsagan ng nagyeyelong panahon.
Ang aso ay dalawang-taong gulang na female Mongrel at pinangalanang ‘Serenity’ ng animal rescue officials.
Balot na balot ng niyebe si Serenity nang natagpuan noong nakaraang linggo kung saan ang temperatura ay nasa -3 degrees Celsius lamang.
Ayon kay Pet and Wildlife Rescue spokesperson Myriam Armstrong, nagulat ang isang babae makaraang makita ang limang itim na kuting na sumisiksik kay Serenity.
Agad na iniligtas ang aso at ang mga kuting at ang kanilang ‘survival story’ ay viral ngayon sa social media.
Naniniwala si Armstrong na maaaring hindi na nabuhay pa ang mga kuting kung hindi tinulungan ng aso.
Hanggang sa animal shelter ay nanatili ang bonding ng aso at mga kuting.
Paparami nang paparami ngayon ang nais na umampon kay Serenity at sa mga kuting.