Laguna at Quezon uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa lalawigan ng Laguna sa susunod na mga oras.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA, alas 5:29 ng umaga ng Miyerkules, Nov, 27 katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Laguna.

Ang pag-ulan ay may kaakibat na pagkulog at pagkidlat at may malakas na hangin.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa mga bayan ng Mauban, Patnanugan at Burdeos sa Quezon,

Pinapayuhan ang lahat na maging maingat sa posibleng pagkakaroon ng landslide at flash floods.

Read more...