LOOK: Polyclinic sa athletes’ village sa New Clark City handa na

Handa na ang polyclinic sa loob ng athletes’ village sa New Clark City sa Tarlac para sa 2019 Southeast Asian Games.

Ayon sa post ni Dan Lichauco sa Facebook, nakumpleto na ng Archion Architects ang pasilidad.

Binati nito ang kanyang grupo dahil natapos ang polyclinic bago pa opisyal na magsimula ang palaro.

Ayon kay Lichauco, pinatatakbo ng mga doktor at staff ng Philippine General Hospital (PGH) ang polyclinic.

Ang athletes’ village sa New Clark City ay 525-room facility na binubuo ng mga dormitory at mayroon itong bathrooms, gym, cafeteria, mess hall, mini pool at maging basketball court.

Opisyal nang magsisimula ang 2019 SEA Games sa Sabado, November 30.

Read more...