Klase sa 5 na paaralan sa Metro Manila, magsususpinde para sa SEA Games

Magsususpinde ng klase ang apat na paaralan sa Metro Manila kasabay ng idaraos na 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Ayon kay Celine Pialago, tagapagsalita ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), nagsabi na ang ilang paaralan ng suspensiyon ng klase para sa torneo.

Walang pasok ang mga estudyante sa mga sumusunod na paaralan mula December 2 hanggang December 7:
– Arellano Law School
– De La Salle University – Manila
– St. Scholastica’s College

Samantala, mula naman December 2 hanggang December 6 ang suspensiyon sa:
– St. Paul College Pasig
– St. Pedro Poveda College

Una nang inirekomenda ng MMDA ang pagsuspinde ng klase sa mga unibersidad para sa ipatutupad na traffic plan sa SEA Games.

Read more...