Bilang ng nasawi sa lindol sa Albania, umakyat na sa 14

(UPDATED) Umakyat na sa 14 ang bilang ng mga nasawi sa tumamang magnitude 6.4 na lindol sa Albania, araw ng Martes.

Sa datos ng United States Geological Survey (USGS), namataan ang episentro ng lindol sa 30 kilometers Northwest ng Tirana.

May lalim ang lindol na 20 kilometers.

Dahil dito, gumuho ang ilang gusali dahilan para matabunan ng debris ang ilang residente sa lugar.

Naramdaman din ang lindol sa bahagi ng southern Balkans at Durres na sinundan pa ng sunud-sunod na aftershocks.

Isa pang hiwalay na lindol na may lakas na 5.4 magnitude malapit sa Bosnia na naramdaman din sa Sarajevo.

Ginamit ng mga rescuer ang excavators sa paghahanap ng mga survivor sa pagguho ng ilang gusali bunsod ng pagyanig.

Wala pang indikasyon kung gaano karaming tao ang naipit ng mga debris sa lugar.

Samantala, batay sa datos ng Health Ministry, hindi bababa sa 600 ang nasugatan kung saan ang ilan ay malubha ang kalagayan.

Sinabi naman ni Albanian Prime Minister Edi Rama na ginagawa nila ang lahat para rumesponde sa mga apektadong lugar.

Dapat aniyang manatiling kalmado at magtulungan ang lahat matapos ang nangyaring sakuna.

Nasa 300 sundalo ang ipinadala para magsagawa ng rescue operations sa lugar.

Read more...