Umani kasi ng batikos sa social media ang almusal ng mga atleta ng Pilipinas at Malaysia na kikiam, itlog at kanin.
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, hindi maintindihan ng Palasyo kung bakit ang mga walang sustansiyang pagkain ang inihain sa mga atleta.
Iginiit pa ni Panelo na ang kikiam ay pagkain lamang ng mga wala nang makain.
“Oo nga. Hindi ko nga malaman eh. Kinakain lang yun kapag medyo wala ka ng makain,” pahayag ni Panelo.
Ayon kay Panelo, dapat ang mga pagkaing pampalakas ng sustansiya ang inihain sa mga atleta dahil makikipagtagisan ang mga ito sa palakasan.
Nakadidismaya rin, ayon kay Panelo, dahil mismong ang Singapore na rin ang nagreklamo na walang Halal food na inihanda ang mga organizer na PHISGOC para sa mga atleta.