Gamit ang kaniyang Facebook account, inilahad ni Lea na inanyayahan siyang magtanghal sa opening ceremony.
Si Lea kasi ang kumanta ng official theme song ng SEA Games na “We Win As One” na isinulat ni Ryan Cayabyab.
Ngunit, kinakailangan aniya niyang tanggihan ang alok dahil mayroon na siyang nakalinya broadway show na “Sweeney Todd.”
Naka-schedule na aniya ang show ilang buwan na ang nakalilipas.
Sinabi pa ni Lea na hindi naman inanunsiyo na kabilang siya sa mga performer para sa opening ceremony ng torneo.
Payo naman ni Lea sa mga artistang magpe-perform sa opening ceremony, “HAVE THE BEST TIME.”
Binati rin ni Lea ang mga sasabak na Filipinong atleta sa sports competition.