Kaugnay ito aniya ng pagbubunyag na may access at maaring kontrolin ng foreign country ang power grid system ng Pilipinas.
Sa inihain niyang Senate Resolution 223 nais ni Hontiveros na magkaroon ng national security audit sa operasyon at pasilidad ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.
Ang NGCP ay 40 porsiyentong pag aari ng State Grid Corporation of China.
Sinabi ng senadora sa pagdinig ay susuriin ang naging operasyon ng NGCP at imbestigahan ang mga ulat na maaring i-shutdown ng China ang power system transmission ng Pilipinas.
Pagdidiin ni Hontiveros na kailangan mapatunayan na may proteksyon ang suplay ng kuryente sa bansa laban sa pananabotahe.