Jose Abad Santos, Davao Occidental niyanig ng M3.2 na lindol

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bayan ng Jose Abad Santos sa lalawigan ng Davao Occidental.

Naitala ang lindol sa layong 23 kilometers southeast ng Jose Abad Santos, alas 11:20 ng umaga ng Martes, Nov. 26.

Ayon sa Phivolcs, tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim na 89 kilometers.

Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala o aftershocks.

Read more...