South Korean President Moon Jae-in, bilib sa growth rate ng Pilipinas

Personal na ipinaabot ni South Korean President Moon Jae-in paghanga sa Pilipinas dahil sa nakabibilib na growth rate ng bansa.

Ginawa ni Moon ang pahayag sa kanilang bilateral meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte sa South Korea.

Ayon kay President Moon nakabibilib at impressive ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.

Outstanding ayon kay Moon ang six percent annual average na economic growth rate na naaabot nito taun-taon.

Sinabi pa ni Moon na future ng ASEAN ang Pilipinas.

Nangako naman si Pangulong Duterte na patuloy na pagsusumikapan ng Pilipinas na maisulong ang common cause sa Korea at maitaguyod ang peace at stability sa rehiyon.

Read more...