Klase sa Tacloban City suspendido dahil sa masamang panahon

Suspendido ang klase sa Tacloban City ngayong araw, Martes, Nov. 26.

Ang suspensyon ay base sa executive order ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez.

Sinuspinde ni Romualdez ang klase mula pre-school hanggang senior high school sa lungsod bunsod ng hindi magandang panahon.

Sakop ng suspensyon ang lahat ng private at public schools.

Una nang sinabi ng PAGASA na magdudulot ng pag-ulan ngayon araw ang tail-end of a cold front sa Quezon, Bicol Region at Eastern Visayas.

Read more...