Alas 4:30 ng madaling araw ng Martes, Nov. 26 nang magsimula ang sunog.
Nang maideklarang fire out pasado alas 6:00 ng umaga at mapasok ang nasunog na Java Pension House, anim ang natagpuang walang buhay ayon kay Bacolod Fire Chief Publio Ploteña.
Labinglimang katao ang unang naiulat na nailigtas ng mga bumbero sa kasagsagan ng sunog.
Sinasabing sa isang motorsiklo na nasa hallway ng ground floor ng pasilidad nagsimula ang apoy.
MOST READ
LATEST STORIES