WATCH: Sunog sumiklab sa isang residential / commercial area sa Makati City

(UPDATE) Tinupok ng apoy ang isang residential/commercial area sa Brgy. Tejeros sa Makati City.

Nagsimula ang sunog bago mag alas 8:00 ng umaga ng Martes, Nov. 26 sa kantgo ng JP Rizal at Tejeros Streets.

Agad itinaas sa ikaapat na alarma ang sunog.

Magkakatabi kasi ang bahay at mga tindahan sa lugar kaya mabilis kumalat ang apoy.

Alas 9:40 ng umaga nang maideklarang under control na ang sunog.

Tinatayang aabot sa 20 mga bahay ang naapektuhan. Inaalam pa kung ano ang pinagmulan ng apoy.

Read more...