Construction worker sugatan nang mahulog sa scaffolding sa inaayos na Rizal Memorial Stadium

Isang construction worker ang nasugatan nang mahulog mula sa tinutuntungang scaffolding habang nag-aayos sa Rizal Memorial Stadium sa Maynila.

Ayon sa Manila Police District (MPD) nangyari ang insidente kahapon, Lunes, Nov. 25.

Nahulog ang 46 anyos na construction worker habang nagbabaklas siya ng scaffolding.

Nagtamo ng leg injuries si Ricardo Delos Santos na taga-Tondo Maynila.

Agad namang nadala sa Ospital ng Maynila di Delos Santos kung saan siya nagpapagaling. (END.DD)

 

 

Read more...