Magugunitang 53 araw na hawak ng mga bandido sina Allan Hyron at asawang si Wilma.
Pasado alas-9:30 Lunes ng gabi, dumating sa Villamor Air Base sa Taguig ang eroplano ng militar sakay ang mag-asawa.
Sinalubong sila sa base operations center ng Villamor Airbase ni British Ambassador to the Philippines Daniel Pruce.
Una nang iginiit ng Western Mindanao Command (WestMinCom) na walang binayad na ransom para sa paglaya ng dalawa.
Samantala, nagpasalamat ang British embassy sa gobyerno ng Pilipinas sa pagkakaligtas sa mga Hyrons.
“We welcome the rescue of Alan and Wilma Hyrons, who were kidnapped on 4 October. We extend our gratitude to the government and authorities of the Philippines,” pahayag ng British Embassy.
Magpapahinga muna sa British Embassy ang mag-asawa at wala pang detalye kung kailan sila babalik ng Britanya.
Fantastic news! My sincerest thanks to all involved. https://t.co/5h6MErkpP4
— Daniel Pruce 🇬🇧 (@DanielPruce) November 25, 2019