Kinilala ang biktima na si RR Patulili, mekaniko, 25 anyos.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, mabagal ang takbo ng pampasaherong jeep na nasa eastbound lane ng Tayuman at papaliko sana ng Ipil St.
Pero mabilis naman ang takbo ng motorsiklo ni Patulili sa westbound lane ng Tayuman.
Sakop ng jeep ang kalahati ng kalsada pero nagpumilit pa si Patulili na makalusot at tuluyang bumangga.
Agad na namatay si Patulili dahil sa matinding pinsala na natamo sa ulo at katawan.
Nanakawan pa si Patulili dahil wala ang cellphone at P1,000 perang dala nito nang umalis sa bahay.
Mahaharap ang driver ng jeep sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.