Price rollback ng karamihan sa oil companies epektibo na ngayong umaga

Epektibo na ngayong alas-6:00 ng umaga ang rollback sa presyo ng karamihan sa mga oil companies.

Lahat ay may P0.20 kada litrong tapyas sa presyo ng gasolina at P0.10 bawas sa kada litro ng diesel.

Ang Seaoil, Shell, Petron at Flying V ay may bawas ding P0.10 kada litro sa presyo ng kanilang kerosene.

Una nang nagpatupad ng rollback ang Cleanfuel alas-4:00 ng hapon ng linggo.

Simula noong October 1 hanggang ngayong November 26, narito na ang natapyas sa presyo ng oil products:
• Diesel – P2.70
• Gasolina – P3.25
• Kerosene – P3.30

Read more...