30th SEA GAMES: Floorball teams nasungkit ang unang 2 panalo para sa Pilipinas

Itinayo ng floorball teams ang bandera ng Pilipinas sa 30th Southeast Asian Games matapos masungkit ang unang dalawang panalo para sa bansa.

Idinaraos ang floorball events sa University of the Philippine – College of Human Kinetics Gymnasium sa Quezon City.

Ang Philippine women’s floorball team ay nakasungkit ng 8-1 score kontra Indonesia.

Lima sa walong goals ng Team Philippines ay mula kay Jade Rivera.

Samantala, ang ikalawang panalo ay nasungkit naman ng men’s floorball team matapos ang 5-4 score kontra pa rin sa Indonesia.

Makahaharap ng Team Philippines ang Thailand ngayong Martes.

Read more...