30th SEA GAMES: Pilipinas at Cambodia 1-1 draw sa football match

Naitulak ng Pilipinas ang 1-1 draw sa Cambodia sa Under-22 men’s football match ng 2019 Southeast Asian Games sa Rizal Memorial Football Stadium, Maynila, Lunes ng gabi.

Ito ay matapos maihabol ng 18-anyos na si Dennis Chung ang goal para sa Pinoy team sa 93:05 mark ng laro.

Una nang nakakuha ng goal si Keo Sokpheng ng Cambodia sa 41-minute mark ng laban.

Isang araw lang ang magiging pahinga ng U-22 Azkals bago kalabanin ang Myanmar bukas, Miyerkules.

Read more...