WATCH: Isang charity fun run, idinaos para sa mga batang may sakit na cancer

Kuha ni Fritz Sales

Nasa 800 katao ang nakiisa sa National Children’s Bubble Run sa Camp Emilio Aguinaldo sa Quezon City, araw ng Sabado.

Layon ng charity fun run na makalikom ng pondo para sa Cancer Treatment & Support Foundation upang masuportahan ang medical concerns ng mga batang mayroong sakit na cancer sa National Children’s Hospital.

Suportado naman ang event ng number one multi-level marketing na FRONTROW bilang co-presentor kasama ang ilang mga local at international artists.

Sa detalye, narito ang ulat ni Angellic Jordan:

Read more...