WATCH: Final leg ng 30th SEA Games Torch Run, idinaos sa Pampanga

Mahigit 2,500 katao ang dumalo sa final leg ng 30th Southeast Asian (SEA) Games Torch Run sa Clark Freeport Zone sa Angeles, Pampanga araw ng Sabado.

Nakiisa ang nasabing bilang ng participants mula sa Angeles at Mabalacat sa five-kilometer run event.

Matatandaang idinaos ang first leg ng Torch Run sa Davao City noong October 30 habang ang second leg naman ay ginanap sa Cebu City noong nakaraang linggo.

Sa detalye, narito ang report ni Angellic Jordan:

Read more...