Ayon kay Yap, 10 taon na ang nakalipas pero nasa ilalim pa rin ng lupa ang katarungan para sa mga biktima at pamilya ng 58 pinaslang kabilang ang 32 mamamahayag.
Sinabi ng kongresista na sinasalamin ng kasong ito kung gaano kabagal ang sistema ng hustisya sa Pilipinas.
Ito’y kahit pa taun-taong inaalala ang malagim na insidenteng ito para hindi malimutan ng taumbayan.
Sa pagsapit ng ika-10 taong paggunita ng Maguindanao Massacre, umaasa ang pamilya ng mga biktima na mahahatulang ‘guilty’ ang 197 akusado.
MOST READ
LATEST STORIES