P3-M talent fee mula sa isang kumpanya, tinanggap ni Mayor Moreno para sa UdM

Binigyan ng P3 milyong talent fee ng Bounty Agro Ventures Incorporated si Manila Mayor Isko Moreno.

Ito ay kapalit ng pagiging endorser ng alkalde ng Chooks-to-Go.

Pumirma ng kontrata si Moreno kasama ang ilang opisyal ng kumpanya sa Manila City Hall.

Ilalaan ng alkalde ang buong talent fee sa konstruksyon ng computer laboratories sa Universidad de Manila (UdM).

Read more...