Umano’y tulak ng droga, timbog sa Albay

Inquirer file photo

Arestado ang isang hinihinalang tulak ng droga sa ikinasang buy-bust operation sa Tabaco City, Albay Lunes ng madaling-araw.

Sa ulat ng Tabaco police, nakilala ang suspek na si Josel Carael, 33-anyos.

Positibo kasing nakabili kay Carael ang isang pulis na nagsilbing poseur buyer sa operasyon bandang 2:00 ng madaling araw.

Nakuha sa suspek ang apat na pakete ng hinihinalang shabu.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Read more...