Sen. Bong Go, pinuna ang sisihan sa preparasyon sa 30th SEA Games

Photo credit: Office of Sen. Bong Go

Nag-privilege speech si Senator Christopher “Bong” Go sa Senado kaugnay sa mga kapalpakan sa paghahanda sa pagdaraos ng 30th SEA Games sa bansa.

Pinuna ni Go ang perwisyo sa mga team mula sa Cambodia, Maynmar, Timor-Leste at Thailand dahil sa isyu sa transportasyon, schedule ng biyahe at accommodation.

Binanggit din nito na maging ang women’s football team ng Pilipinas ay dismayado dahil sa ilang isyu.

Pagdidiin ni Go, ginawa naman na gobyerno, ang Office of the President at Congress, ang kanilang bahagi sa paghahanda kayat aniya walang dahilan para sabihin na hindi pa handa ang Pilipinas.

Ngunit ayon kay Go, wala ng panahon para magsisihan at magturuan pa ang mga kinauukulang ahensya dahil aniya ang mga ito ay dapat nagtutulungan.

Sa ngayon, dapat ay handa na ang lahat para sa mga atletang Filipino at aniya ang reputasyon at pangalan ng bansa ay nakataya rin sa gaganaping regional sporting event.

Pagtitiyak pa ni Go na handa siyang pa-imbestigahan ang mga kapalpakan bilang chairman ng Senate Committee on Sports at miyembro ng Blue Ribbon Committee pagkatapos ng torneo.

Read more...