Ito ang naging paglalarawan ng Palasyo ng Malakanyang sa 18 araw na panunungkulan ni Vice President Leni Robredo bilang co-chairman ng Inter-agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD).
Ayon kay Presidential spokesman Salvador Panelo, wala kasing nagawang konkretong hakbang si Robredo para labanan ang problema sa ilegal na droga.
Puro lang aniya press conference at pakikipag-usap sa mga dayuhang grupo ang inatupag ni Robredo.
Iginiit pa ni Panelo na ang isang araw na pagkaantala sa paglaban sa ilegal na droga ay maituturing nang eternity o panghabangbuhay.
Hindi naman aniya maaring maupo na lamang sa tabi ang gobyerno at maghintay na lamang kung kalian makapaglalatag ng magandang ideya si Robredo para malabanan ang problema sa ilegal na droga.
“Apparently. And you know – as I said in my statement – when the issue is the very lives of people, delay of one day is like eternity. This government cannot just twiddle its thumb and sit idly waiting for a show of flashes of brilliance from the Vice President to perform,” pahayag ni Panelo.