Pangulong Duterte, nakiisa sa kampanya vs karahasan sa mga kakaibahan

Suportado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kampanya kontra sa karahasan sa mga babae sa bansa.

Sa mensahe ng pangulo sa National Consciousness Day for the Elimination of Violence Against Women, sinabi nito na patuloy sa pagsusumikap ang Philippine Commission on Women (PCW) para ma-empower ang mga babae sa Pilipinas.

Umaasa ang pangulo na makakamit ng programa ang layunin nito na maitaguyod ang awareness sa at maprotektahan ang mga babae sa anumang uri ng karahasan at diskriminasyon.

“I hope that as the Philippine Commission on Women spearheads the 18-Day Campaign to End Violence Against Women and Children, we can all raise greater public awareness on the issues faced by this sector so we may pursue other measures that will protect them from any form of harassment or discrimination,” pahayag ng pangulo.

Matatandaang makailang beses nang nabatikos ang pangulo dahil sa bastos na pagbibiro sa mga babae.

Read more...