Public at private partnership para sa sports development, ipinabubuhay ni Romualdez

Nanawagan sa pamahalaan si House Majority Leader Martin Romualdez upang buhayin ang Project Gintong Alay para mapalakas ang competitiveness ng mga Filipinong atleta sa international competitions.

Sinabi ni Romualdez na dapat magtulungan ang gobyerno at ang pribadong sektor na magkaroon ng malasakit sa mga atleta para lalo pang mapalakas ang kanilang potensyal na magbigay ng karangalan sa Pilipinas.

Kung nais aniya ng bansa na lumikha ng sports superstars at mag-excel sa international sporting competitions gaya ng Olympics, Asian at SEA Games, kailangang ibalik ang konsepto ng private at public sectors partnerships para sa sports development.

Sa ilalim ng Project Gintong Alay na sinimulan noong 1979, nag-aadopt ng mga atleta ang mga korporasyon at inaalagaan ang mga ito para maging world-class competitors.

Tinukoy ni Romualdez ang ilan sa mga produkto ng Project Gintong Alay kabilang sina track and field superstars Lydia de Vega, na kilalang Asia’s Sprint Queen; Elma Muros, at two-time Olympian Isidro del Prado at swimmer champion Eric Buhain.

Kasabay nang goodluck message sa mga atleta sa SEA Games, binigyang diin nito na kaya ng Pilipinas na mag-produce ng future champions.

Read more...