Metro Manila, ilang lalawigan sa Central at Southern Luzon, uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang Metro Manila at ilang lalawigan ng sa central at southern Luzon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA na inilabas alas 10:05 ng umaga ng Lunes, Nov. 25 katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan saMetro Manila, Cavite, Batangas, Nueva Ecija, at Bulacan.

Ang mararanasang pag-ulan ay may kaakibat na pagkulog, pakidlat at malakas na hangin.

Ganitong lagay na rin ng panahon ang nararanasan sa bayan ng General Nakar, Real, Mauban, Polilio, Burdeos, Patnanungan, at Jomalig sa Quezon; Jala-Jala at Tanay sa Rizal; Santa Maria, Famy, Siniloan, Pangil, Pakil, paete, Kalayaan, Lumban, PAgsanjan, Cavinti, Santa Cruz, Pila, Victoria, Magdalena, at Mabitac sa Laguna.

Pinapayuhan ang lahat na maging maingat sa posibleng pagbaha at landslides lalo na sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.

Read more...