BREAKING: British at asawang Pinay na dinukot sa Zamboanga nailigtas na

Nailigtas na ang isang British national at kaniyang asawang Pinay na dinukot ng mga miyembro ng sa isang resort sa n Zamboanga del Sur.

Kinumpirma ni Westmincom Commander Lt. Gen. Cirilito Sobejana naligtas ang mag-asawang Allan at Wilma Hyrons alas 9:00 ng umaga ng Lunes, Nov. 25 sa Brgy. Taha sa Parang, Sulu.

Nangyari ang tagumpay na rescue operations sa mag-asawa matapos ang tatlong magkakasunod na insidente ng sagupaan sa pagitan ng Abu Sayyaf members at ng militar.

October 4 nang dukutin ng apat na armadong lalaki ang mag-asawa habang paparating sa Hyrons’ Beach Resort na kanilang pag-aari.

Isinikay sila sa motorboat na naghihintay sa pampang.

Read more...