Pagsibak ng pangulo kay VP Robredo sa ICAD hindi na ikinagulat ng mga taga oposisyon sa Kamara

Inaasahan na mga kongresista mula sa oposisyon sa naging pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter-agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kina Albay Rep. Edcel Lagman at Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, hindi na sila nakagugulat ang ginawa ng sa ginawang anunsyo ng Malakanyang sa pagpapatalsik kay VP Robredo sa ICAD.

Sinabi ng mga ito na simula pa lamang naman na ay planado na ang pagpapalabas na palpak si Robredo sa paniwalang banta ang bise presidente sa administrasyon.

Malaking pagkakamali din para kay Lagman ang pagseseryoso ni Robredo sa papel niya bilang anti-drug czar gayong joke lang naman pala kay Pangulong Duterte ang pagkakatalaga nito lalo na sa pagtanggap sa mga kritisismo sa madugong war on drugs.

Nagbabala naman si Zarate sa publiko na mas maging alerto at mapagbantay sa mas malalang drug war campaign ng pamahalaan.

Read more...