Bilyonaryong si Michael Bloomberg kumpirmado na ang pagsabak sa US presidential elections

Kumpirmado na ang pagsabak sa US presidential elkections ng bilyonaryo at media mogul na si Michael Bloomberg.

Ang kaniyang kandidatura ay inanunsyo ni Bloomberg na dati ring naging mayor ng New York City.

Kasunod ng kaniyang anunsyo hindi naman maiwasan ang paghahayag ng pagkabahala ng ilan dahil sa posibleng pagkakaroon ng conflict-of-interest dahil sa mga negosyo ni Bloomberg.

Maliban sa pagiging media mogul, mayroon ding negosyo si Bloomberg na may kaugnayan sa financial data services kung saan 19,000 ang empleyado sa 69 na mga bansa.

Samantala, naglabas naman ng pahayag ang media entity na Bloomberg.

Ayon kay Bloomberg Editor-in-Chief John Micklethwait nagpapatupad sila ng mga rules.

Sinabi ni Micklethwait na hindi sila magsasagawa ng imbestigasyon kay Bloomberg o sinuman sa kaniyang Democratic rivals.

Hindi na rin maglalabas ng unsigned editorials ang Bloomberg Opinion.

Read more...