Ilang bayan sa Quezon, patuloy na uulanin sa susunod na mga oras

Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang ilang mga bayan sa lalawigan ng Quezon.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA na inilabas alas 7:20 ng umaga ng Lunes, Nov. 25 katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng

ulan ang mararanasan sa mga bayan ng San Francisco, San San Narciso, Mulanay, Guinayangan, Tagkawayan at Atimonan.

Ang mararanasang pag-ulan ay may kaakibat na pagkulog, pakidlat at malakas na hangin.

Pinapayuhan ang lahat na maging maingat sa posibleng pagbaha at landslides lalo na sa kasagsagan ng malakas na buhos ng ulan.

Read more...