Water level ng Angat dam bahagyang nadagdagan sa nakalipas na magdamag

By Dona Dominguez-Cargullo November 25, 2019 - 06:57 AM

Dahil nakaranas ng pag-ulan kahapon nadagdagan ng bahagya ang water level ng Angat dam

Ayon sa update ng PAGASA Hydrology alas 6:00 ng umaga ng Lunes, Nov. 25 ay nasa 187.75 meters ang water level ng dam.

Malayo pa rin ito sa 210 meters na normal high-water level ng dam.

Ang Ipo dam naman ay nasa 100.41 meters ang water level habang ang La Mesa dam ay 77.54 meters.

Nadagdagan din sa magdamag ang antas ng tubig sa Binga, Pantabangan, Magat, at Caliraya.

Habang nabawasan naman ang water level ng Ambuklao at San Roque.

TAGS: Angat Dam, dam status, Inquirer News, la mesa dam, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level, Water supply, Angat Dam, dam status, Inquirer News, la mesa dam, Pagasa, PH news, Philippine breaking news, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, water level, Water supply

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.