K-pop singer Goo Ha-ra natagpuang patay

Wala nang buhay nang matagpuan sa loob ng kaniyang bahay ang South Korean celebrity na si Goo Ha-ra.

Si Goo ay miyembro ng popular na K-pop girl group na “Kara”.

Natagpuan sa kaniyang bahay ang 28 anyos na si Goo Linggo (Nov. 24) ng gabi.

Iniimbestigahan na kung ano ang dahilan ng pagkasawi ni Goo.

Noong buwan ng Mayo, dinala sa ospital si Goo matapos makitang walang malay ng kaniyang manager.

Read more...