Easterlies magpapaulan sa Bicol Region, Aurora, Quezon

Walang binabantayang sama ng panahon sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa kasalukuyan.

Ayon sa 4am weather update ng PAGASA, Easterlies at Northeast Monsoon o Amihan ang weather systems na nakakaapekto ngayon sa bansa.

Dahil sa Easterlies, maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa Bicol Region, Aurora at Quezon.

Bunsod naman ng Amihan, bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitaan na may mahihinang pag-ulan ang mararanasan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa, maalinsangang panahon ang mararanasan na may posibilidad lang ng panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Walang nakataas na gale warning saanmang baybaying dagat ng bansa kaya’t ligtas na makapaglalayag ang mga mangingisda.

Read more...