Sa pahayag ng Western Mindanao Command araw ng Linggo, dalawang magkahiwalay na engkwentro ang sumiklab sa Patikul at Indanan.
Unang nasawi ang isang bandido sa sagupaang naganap sa SItio Itum, Brgy. Kabbun Takas sa Patikul alas-2:40, hapon ng Sabado.
Sinundan ito ng isa pang engkwentro alas-3:30, hapon ng Linggo sa Sitio Huton Mahablo, Brgy. Silangkan sa Indanan kung saan limang ASG member naman ang nasawi.
Kabilang sa mga nasawi sa ikalawang engkwentro ang dalawang sub-leaders ng ASG.
Limang sundalo mula sa 32nd Infantry Battalion ang nasugatan sa unang engkwentro habang dalawang Special Forces personnel naman ang nagtamo ng pinsala sa ikalawang engkwentro.
Ayon kay WestMinCom commander Lieutenant General Cirilito E. Sobejana, ang mga operasyon ng militar ay bahagi ng pagsusumikap na mailigtas ang mga bihag ng ASG kabilang ang isang British national at asawang Pinay.