Taxi driver arestado sa panghoholdap sa pasaherong Chinese sa Pasay

Timbog ang isang Taxi driver matapos holdapin ang isang 21-anyos na Chinese call center agent sa Pasay City.

Nakilala ang suspek na si Erik Icban, 44 anyos.

Ayon kay Pol. Capt. Benny Pedroso, chief intel ng Pasay City Police, may tama ng saksak ang biktima nang magsumbong sa presinto.

Ayon sa biktima, dalawang pang lalaki ang biglang pumasok sa passenger seat at tinutukan siya.

Gayunman, nakipagbuno siya sa mga holdaper kaya’t nasugatan.

Nahabol ng pulisya ang Taxi sa bahagi ng Macapagal Boulevard.

Narekober mula sa Taxi driver ang ID ng biktima, patalim at granada.

Giit ng suspek, kinuntsaba lang siya ng mga holdaper na makipagtulungan dahil binalaan siya ng mga ito na ipapahamak ang kanyang pamilya.

Pinaghahanap na ang mga kasabwat ni Icban at mahaharap sila sa kasong robbery at illegal possession o explosives and bladed weapons.

Read more...