M3.6 na lindol naitala sa Davao Occidental

Niyanig ng magnitude 3.6 na lindol ang bahagi ng Davao Occidental ala-1:15 Lunes ng madaling-araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng pagyanig ay sa layong 128 kilometro Timog-Silangan ng Jose Abad Santos.

May lalim itong 52 kilometro at tectonic ang dahilan.

Dahil nasa dagat, hindi naman nagdulot ng pinsala sa ari-arian ang lindol at wala ring inaasahang aftershocks.

Read more...