LOOK: SEA Games delegations na naabala pagdating sa bansa binisita ni Cayetano

Binisita ni Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) chair at House Speaker Alan Peter Cayetano, Linggo ng gabi ang foreign athletes na nakaranas ng aberya pagdating sa bansa para sa regional games.

Magugunitang binatikos ang hindi maayos na transportayon, hotel accommodations at pagkain para sa national teams ng ibang bansa.

Pero sa post ng official Facebook page ng 2019 SEA GAMES na may caption na “ALL IS WELL THAT ENDS WELL,” sinabing humingi na ng paumahin si Cayetano sa mga atleta.

Tiniyak umano ni Cayetno sa mga ito na magiging maayos at makahulugan ang hosting ng Pilipinas sa regional games.

Una rito, humingi na ng paumahin ang PHISGOC at ang Palasyo ng Malacañang sa naranasang abala ng foreign teams.

Opisyal na bubuksan ang 2019 SEA Games sa November 30.

Gayunman, nagsimula na ang polo event kahapon, Linggo (Nov.24) at ngayong Lunes ay magsisimula na ang football games.

Read more...