Dumating ang eroplanong sakay ang pangulo sa Gimhae Air Base sa Busan bago mag-ala-1:00 ng madaling-araw, oras sa Pilipinas.
Sinalubong si Duterte nina Philippine Ambassador to the Republic of Korea (ROK) Noe Wong, Chief of Presidential Protocol and Presidential Assistant on Foreign Affairs Robert Eric Borje, Korean Ambassador to the Philippines Han Dong-Man, at iba pang opisyal ng South Korea.
Ayon sa Malacañang, kabilang sa mga tatalakayin sa summit ang kalakalan at pamumuhunan, innovation and smart city development, biodiversity, countering transboundary challenges, people-to-people exchanges, disaster management, cybersecurity, regional security, pagpapalakas sa kooperasyon sa maritime security at iba pa.
Inaasahang matatalakay ang denuclearization ng North Korea.
Magkakaroon ng bilateral meeting sina Pangulong Duterte at South Korean Moon-Jae in mamayang hapon para talakayin ang mahahalagang isyu kabilang ang edukasyon, free trade at fisheries kung saan inaasahang lalagda ang dalawang lider ng mga kasunduan.
Ang tema ng 2019 ASEAN-ROK Commemorative Summit ay “Partnership for Peace, Prosperity for People”.