ES Medialdea, itinalaga bilang OIC ng bansa habang nasa South Korea si Pangulong Duterte

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Executive Secretary Salvador Medialdea bilang officer-in-charge ng bansa habang nasa South Korea ang pangulo.

Base sa special order number 1346, inatasan ng pangulo si Medialdea bilang caretaker ng bansa mula November 24 hanggang 26.

Magkakaroon kasi ng official visit ang pangulo sa Busan, South Korea para dumalo sa 2019 ASEAN-Republic of Korea Commemorative Summit.

Binigyan ng direktiba si Medialdea na pangasiwaan ang pang araw-araw na trabaho ng Office of the President pati na ang mga tanggapan na nasa ilalim ng sangay ng ehekutibo.

Kasunod nito, ipinag-utos din ng pangulo sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na makipagtulungan kay Medialdea para matiyak ang maayos na pagbibigay serbisyo-publiko.

Read more...