BREAKING: VP Robredo, sinibak ni Pangulong Duterte bilang ICAD co-chair

Sinibak na ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo bilang co-chairperson ng Inter-agency Committee on Anti-illegal Drugs (ICAD).

Ito ang kinumpirma ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa Radyo Inquirer.

Una rito, sinabi ng pangulo na wala siyang tiwala kay Robredo na hawakan ang classified information sa war on drugs.

Nakukulangan din ang pangulo sa performance ni Robredo dahil hanggang ngayon daw ay wala naman itong nailalatag na kokretong hakbang kung paano lalabanan ang problema sa ilegal na droga.

November 6, tinanggap ni Robredo ang alok ni Pangulong Duterte na maging ICAD co-chair.

Subalit makalipas ang dalawang linggo, sinibak ni Pangulong Duterte si Robredo.

Read more...