Asahang makararanas ng pag-ulan ang Metro Manila at ilang lugar sa Luzon.
Sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 1:38 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa Metro Manila, Bulacan at Rizal.
Mararamdaman ang nasabing lagay ng panahon sa susunod na dalawang oras.
Maliban dito, apektado rin ng kondisyon ng panahon ang Quezon partikulat sa General Nakar, Lucban at Tayabas; Laguna sa Paete, Pagsanjan, Santa Cruz, Magdalena, Pila, Victoria at Majayjay.
Uulanin din ang bahagi ng Batangas sa Taysan, Batangas City, Ibaan, Rosario, Padre Garcia at Lipa; Cavite City sa Cavite.
Pinayuhan ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa.