Mga Filipino na may problema sa job agency sa Cambodia, pabalik na ng bansa – DFA

Pabalik na ng bansa ang mga Filipino na nagkakaroon ng problema sa kanilang employment agency sa Cambodia.

Sa Twitter, sinabi ni Foreign Secretary Teodoro Locsin Jr. na nakulong kasi ang ilang Filipino sa Siem Reap dahil sa problema sa kanilang job agency.

Aniya, ang pagpapauwi ng Pilipinas ang magandang aksyon para sa mga Filipinong nakulong sa nasabing bansa.

Hindi naman nabanggit ng kalihim kung ilan at ang pagkakakilanlan ng mga nakulong na Filipino.

Read more...